Fans mula Pilipinas, ibang lugar sa US nagpakita ng suporta kay Rabiya Mateo

ABS-CBN News

Posted at May 14 2021 08:10 AM

Watch more on iWantTFC

Nagsidatingan ang fans ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo para suportahan siya sa kaniyang pagrampa sa national costume event ng Miss Universe 2021 pageant sa Hard Rock Hotel sa Fort Lauderdale, Florida, Huwebes ng gabi (US time).

May mga Pilipino ring nagmula sa iba’t-ibang lugar sa Amerika ang dumating para kay Mateo at lahat sila ay ramdam na malakas ang tiyansa niyang manalo ngayong taon.


Ang national costume event ay mahalaga para sa mga kandidata dahil ito ang unang pagkakataong rarampa sila sa stage sa harap ng live audience.

Samantala, mahigpit naman ang ipinatutupad na health protocols ng organisasyon sa lugar laban sa COVID-19. — TeleRadyo, 14 Mayo 2021