Ano ang special plan ni Juday sa Mother's Day?

ABS-CBN News

Posted at May 13 2017 12:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Puno ng sakripisyo pero walang kasing sarap daw ang pagiging ina na sinuklian ng pagmamahal ng mga anak. Kaya naman, special plan ng celebrity mom na si Judy Ann Santos-Agoncillo ngayong Mother’s Day ang magbigay ng oras sa kanyang Mommy Carol. Ito ay dahil naniniwala siya sa "family first".

“’Yung Mother's Day for me, hindi siya isang araw sa isang taon. Siguro ngayon, I'll try to spend more time with my mom kasi medyo this past few months and years, hindi ko masyadong nakikita, nakakausap. Gusto ko lang maging open kami sa isa't isa kasi iba ‘pag nanay ang kausap,” aniya. 

Hindi niya napigilang maiyak nang sorpresahin siya ng ilang pamilyang nabahagian ng malalaking premyo ng kaniyang game show na "Bet on your Baby". 

Isa-isang nagpasalamat sa kanya ang mga pamilyang nabiyayaan ng P1 milyon at bahay at lupa sa naunang dalawang seasons ng nasabing game show. May dala pang surprise gift ang mga pamilya para sa TV host. 

“I was really praying na sana may makakuha ng house and lot kasi iyon ‘yung episode na karamihan lahat ng contestants ay nakatira sa ilalim ng tulay, kariton, kaya nung nanalo sila, lahat kami masaya,” ayon sa kanya. 

Kaya doble ang excitement niya sa muling pagbubukas ng game show. Na-miss niya kasing mag-host. 

Unang project niya ito matapos ipanganak si baby Luna.
 
Malaki na rin ang nabago sa kanyang katawan. Higit 30 pounds na ang nabawas mula sa kanyang post-pregnancy weight.

“Hindi naman actually liit ng waistline ang hinahabol ko. ‘Yung fitness, ma-reach yung highest energy. As much as possible, maging healthy. Susunod naman ‘yung katawan doon,” ani Santos-Agoncillo. -- Ulat mula sa TV Patrol, Biyernes, 12 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.