PatrolPH

Daniel Padilla nagdiwang na ika-26 na kaarawan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2021 01:33 PM

Watch more News on iWantTFC

Maagang ipinagdiwang ng heartthrob na si Daniel Padilla ang kaniyang ika-26 na kaarawan sa "ASAP Natin 'To" sa pamamagitan ng isang song number.

Para sa kaniyang birthday number, inawit ni Padilla ang kantang "I Melt With You" ng bandang Modern English.

Ayon kay Padilla, hiling lang niya para sa kaarawan na bumuti na ang situwasyon para sa lahat.

"Ang wish ko na lang, sana maging maayos na ang situwasyon nating lahat. Para sa ating lahat, matapos na ang pagdurusa," ani Padilla.

Sa Lunes, Abril 26, ang kaarawan ni Padilla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.