EXCLUSIVE: GF shares her memories of AJ Perez

Posted at Apr 19 2011 09:55 PM | Updated as of Apr 20 2011 05:55 AM

Sa gitna ng pagluluksa sa burol ni AJ Perez, tahimik na lumuluha lang sa burol ang girlfriend ng actor na si Steph Ayson.

Minabuti ni AJ na panatilihing pribado ang relasyon nila ni Steph.

Sa eksklusibong pagkakataon, binuksan ni Steph ang kanilang kuwento para sa fans na nalulungkot din sa sinapit ni AJ.

Nagpapasalamat si Steph sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ni AJ sa mahigit na isang taon nilang relasyon.

"The good thing about AJ is that even though we, he kept it in the quiet, he made sure that I wouldn't feel that I was pushed aside, he really made me feel special," ani Steph.

Idinetalye ni Steph kung paano napukaw ni AJ ang kanyang puso.

"I've had a crush on him since grade school and we were batchmates... I met him again when I was in third year high school so doon na nag-start," kuwento niya.

"Nu'ng una, parang nayabangan ako sa kanya, inisip ko, 'Inaartehan ba ako nito?' Pero na-realize ko, that he's just very sincere and sweet," dagdag ni Steph.

Ang sobrang mami-miss daw ni Steph kay AJ—ang paglalambing ng boyfriend.

"I'll miss the way he calls me every time may break sa taping... I miss having him around, I miss him constantly bugging me to be okay," kuwento ni Steph.
   
Noong Lunes ng gabi, binigyang tribute ang 18-anyos na actor bilang kaklase, kaibigan at kabarkada.

"I really want to thank everyone because through them I get to know another side of AJ," ani Steph.

Sa biglaang pagkawala ni AJ, hindi magiging madali ang paghilom ng sakit sa kanyang mga mahal sa buhay.

"I don't know how long it will take but i know with God's help and AJ's help, I'll be fine," sabi ng naulilang girflfriend.

Maiiwan ang magagandang alaala ni AJ sa maraming taong kanyang pinasaya at minahal. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino