Charice gives Perez Hilton 'goosebumps'

Posted at Apr 18 2011 09:55 PM | Updated as of Apr 19 2011 08:42 AM

Matapos ang matagal-tagal ding paghihintay ng kanyang mga fans sa pagbabalik ni Charice sa sikat na TV show na “Glee,” isang YouTube video ni Sunshine Corazon ang lumutang sa Internet nitong mga nakaraang araw.

"Night of Neglect" ang titulo ng “Glee” episode na ito.

Naging viral agad ang sneak preview ng bagong episode ng “Glee”. Lampas 20,000 kaagad ang mga hits nito
 
Tumindig naman daw ang mga balahibo ng sikat na Hollywood showbiz blogger na si Perez Hilton nang mapanood niya ang pagbirit ni Charice sa kantang "All By Myself” ni Celine Dion na agad din niyang pinagmalaki sa kanyang website.
 
Ang TV Guide, ipinakita pa ang buong segment ng kanta ni Charice sa TVGuide.com.

Pati na rin ang mga cast member ng “Glee” ay napabilib din ni Charice. Halos maiyak pa ang isa rito na si Ashley Pink.

"I got a little teary eyed, be ready America... Bring a tissue," ani Pink.

Excited na ang mga fans ni Charice na kung tawagin ang sarili ay mga “Chasters.” Don Tagala, Patrol ng Pilipino, New York