Shooting ng pelikulang 'Hello, Love, Goodbye,' dinumog ng fans

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2019 11:37 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Jam-packed ang naging shooting ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na may title na "Hello, Love, Goodbye" sa Hong Kong.

Sa Instagram Stories ng kasamahan nila sa pelikula na si Joross Gamboa, kitang dinumog ng fans ang kanilang shooting.

Nagpasalamat naman ang screenwriter na si Carmi Raymundo sa lahat ng fans na tumulong para matapos ang kanilang shooting kahit inulan sila.

Umagang Kay Ganda, Abril 15, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.