Celebrities welcome in Azkals team

Posted at Apr 08 2011 10:30 PM | Updated as of Apr 09 2011 06:30 AM

Mala-Fans day ang 1st Barkada Choice Awards ng Studio 23 kagabi.

Selebrasyon din ito ng first anniversary ng showbiz oriented show na "The Wrap" kaya't full force ang celebrities na ibinoto mismo ng mga kabataan.

Dahil sa kantiyaw ng fans, napa-sample ang Choice Tweet Idol na si Anne Curtis.

Panalo rin si Enchong Dee ng Breakthrough Artist at Choice Actor of the Year.

Sinagot niya ang isyung may girlfriend na siyang taga showbiz.

“Ganoon na talaga. Pero wala, nagpapangiti lang. I think girlfriend is a pretty strong word. Hindi si Kim,” sabi ni Enchong.

Panalo naman bilang Choice Sports Celebrity ang Philippine Azkals.

Maraming salamat sa supporters namin, sa lahat ng voters,” sabi n Phil Younghusband.

Samantala kung dati ay pinuna ng artistang si Angelica Panganiban ang inakalang pagpasok ni Phil Younghusband sa showbiz, ngayon ay natanong naman ang Azkals player kung bukas silang maging ka-team mate ang isang actor.

Una na kasing sinabi ni Jake Cuenca na gusto niyang mag-tryout sa Azkals.

“It would be great to have him on the team. It would be great to see what he's like. That would be a good addition,” sabi naman ni James Younghusband.

“Anyone who's willing to help the team out and make us stronger, then we welcome them,” dagdag pa ni Phil.

Sa ngayon, ine-enjoy ng Younghusbands at ng Azkals ang kanilang summer break bago sumabak sa training sa Mayo.