KC hurt after Piolo fails to greet her on bday

Posted at Apr 08 2011 12:37 AM | Updated as of Apr 08 2011 08:37 AM

Isang dinner kasama ang entertainment press ang birthday treat ng Megadaughter na si KC Concepcion Miyerkules nang gabi.

Hot topic ang boyfriend niyang si Piolo Pascual na nasa Amerika.

Tinanong si KC kung totoong nagtampo siya dahil hindi kasama si Piolo sa mga bumati sa kanyang special birthday celebration sa “The Buzz.”

"I never naman would lie about it, dahil siyempre 'di complete eh. Kahit sino namang mag-happy birthday sa 'yo pero 'yung mga importante sa buhay mo, 'di ba... But it was more than enough. I know that 'The Buzz' did everything to get in touch with him," ani KC.

Isang buwan nang hindi nagkikita ang mag-boyfriend dahil nasa concert tour sa America at naghahanda sa kanyang US film si Piolo.

Sa panayam naman ni Piolo sa ABS-CBN News sa New York, sinabi niyang babawi siya sa girlfriend na susunod din sa US.
.
"We definitely text and what's just good about the whole thing is that she's also comin' here for the Star Magic tour. It's just nice because at least, she's gettin' some day off when they get here. So we're gettin' some time together," sabi ng hunk-actor.

Hindi naman nakaiwas si KC na sagutin na rin mainit pa rin isyu matapos nilang aminin ni Piolo ang kanilang relasyon.

May sagot naman si KC sa patuloy na nagsasabing pang-"showbiz" lang ang relasyon nila ni Piolo.

"For me, my priority is 'Don't lie to your self.' Kasi more than to me, you're gonna hurt yourself. But I think he's being honest," aniya.

Ayon pa kay KC, wala man si Piolo ay masaya siyang makasama ang mga mahal niya sa buhay sa kanyang special day. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino