James at Nadine, napapag-usapan na ba ang kasal?

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2018 02:11 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Umamin ang magkasintahang sina James Reid at Nadine Lustre na "off-limits" sa kanilang relasyon ang usapin ng kasal.

Ayon sa dalawa, nasa estado pa lamang sila ng kanilang relasyon kung saan nasa pagitan pa lamang sila ng "honeymoon stage" at "comfortable stage."

Dagdag pa ng dalawa, hindi pa nila napapag-usapan ang kasal dahil marami pa silang gustong gawin sa kanilang buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.