Phil Younghusband has dinner date with Angel Locsin

Posted at Mar 29 2011 09:42 PM | Updated as of Mar 30 2011 05:42 AM

Time-out man sa training at international games, football pa rin ang inaatupag ng Younghusband brothers.

Ngayong summer, isusulong nina Phil at James ang pagpapalawak ng pagkilala sa football fever sa Pilipinas bilang “ambassadors” ng "One Goal" program ng United Nations.
   
Kahit busy, tila may oras sa kanyang love life ang British-Pinoy player.

Hindi naman naitago ng football hunk ang kilig ng kumpirmahin ang date nila ni Angel.

"The dinner was nice," hirit ni Phil.

Naging matipid sa mga detalye ng kanyang love life si Phil.

Umamin siyang lumalalim ang pagkakaibigan nila ng aktres.

"People wanna know the details now but I would like to keep it private... We're getting to know each other," ani'ya.

Isang "smiley" face naman ang tanging reaksyon ni Angel sa isyu.

Kung nagsisimulang sumigla ang love life ni Angel, may kirot naman sa puso ni Angel dahil isang buwan na lang patapos na ang serye niyang “Imortal.”
   
"Siyempre sad, kasi mahal ko 'yong mga katrabaho ko at 'yong character ko... One year na iyung 'Imortal' pero 'di pa rin kami binitiwan ng mga tao," sabi ng aktres.

Ayon kay Phil, hindi sila nagmamadali na pumasok sa relasyon ni Angel. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino