Hashtags, Kit Thompson, at Empoy, sumabak sa 'Dalagang Pilipina' challenge

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 11:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hindi lang mga babae ang kumasa sa "Dalagang Pilipina" challenge.

Maging ang mga lalaki tulad ng mga miyembro ng Hashtags na sina Mccoy, CK, at Rayt ay sumali na rin sa nauusong challenge na kailangang ipakita ang iba't ibang mukha ng pag-emote o pagpapa-cute.

Tila nahiya pa ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Kit Thompson matapos niyang magpa-cute.

Ang lupit naman ng dating ni Empoy Marquez sa paggawa niya ng challenge.

Ayon pa sa mga tagahanga ni Empoy, marami ang mas mai-in love sa kanya dahil sa ginawa niyang page-emote. 

Umagang Kay Ganda, Marso 28, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.