Mga aktor ng 'Playhouse,' nahihirapan sa pagtatapos ng serye

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2019 10:56 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inamin ng mga bida ng "Playhouse" na sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na nahihirapan sila sa pagtatapos ng kanilang teleserye.

"Ang hirap gumising ng isang araw na, 'Ah nako wala akong taping ngayon at wala na ulit akong taping at hindi ko na ulit sila makikita.' 'Yun yung pinakamahirap," sabi ni Angelica.

"Hindi pa nagsi-sink in sa akin ngayon na matatapos na itong show na ito at hindi ko na makikita halos lahat ng mga nakasama ko," dagdag ni Zanjoe.

Napaiyak naman ang batang aktor na si JJ Quilantang nang mamaalam sa isang press conference.