Aljur Abrenica, binigyan ng birthday surprise habang naghahanda sa bagong serye

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2019 10:01 AM | Updated as of Mar 22 2019 10:10 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sinorpresa ng Dreamscape Entertainment si Aljur Abrenica sa kaniyang kaarawan.

Nasa script reading ng bagong teleseryeng "SanDugo" si Aljur nang bigyan siya ng cake ng staff at batiin ng maligayang kaarawan.

Makakasama ni Aljur sa naturang serye sina EJ Falcon at Elisse Joson.

Kasama din sa bagong programa sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Aiko Melendez, Cogie Domingo, Jeric Raval, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, at "PBB Otso" teen housemates na sina Reign Parani, Ali Abinal at Rhys Eugenio.