ABS-CBN stars at movies, nominado sa 2019 Gawad Pasado Awards

Jeff Fernando,ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2019 11:59 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hataw sa nominations ang ABS-CBN stars at mga pelikula sa 2019 Gawad Pasado.
 
Nominated para sa Best Picture ang "The Hows of Us" na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; at ang "Kasal" nina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Pasok naman sa listahan ng Best Director nominees si direk Ruel Bayani para sa "Kasal."

Double nomination sa best actor si Paulo Avelino para sa "Kasal" at "Goyo: Ang Batang Heneral." Makakalaban niya sina Daniel Padilla para sa "The Hows of Us," Gerald Anderson para sa "My Perfect You" at Ogie Alcasid sa "Kuya Wes."

Sa Best Actress pasok sina Bea Alonzo para sa "Kasal" at Kathryn Bernardo para sa "The Hows of Us."

Ang Gawad Pasado ay binubuo ng pampelikulang samahan ng mga dalubguro at magaganap sa Mayo 18 sa Quezon City Polytechnic University.
 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.