Thousands line up for PBB auditions

Posted at Mar 04 2011 09:05 PM | Updated as of Jan 25 2017 12:51 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bungad pa lang ito ng mahaba-habang kalbaryo. Eksena ng pila sa gilid-gilid, direct hit sa init!

Ito ang hangganan ng pila. Sila ang mahigit sa 8,000 pinagpala. Ang iba pang dumating hindi na pinapila. Hindi naman daw dito nagwawakas ang pangarap na sa Bahay ni Kuya sila ay matanggap.

Sari-saring offer na kontribusyon kay Kuya: May sikat na sikat daw ang kanta.

Ito rin ang dialogue sa telenovela at nagpapa-level up pa siya.

Napaamin din namin kung sinong idol niya.

May nagpapasahan na ng meryenda -- ano ka ba, binigay ko na hotdog sa iyo. Susunod pa, susunod pa!

May nagbibilang sa pila -- 10,002, 10,003, 10,004 -- ay, malapit na siguro ako tawagin..

Maliwanag ang rason niya sa pagpila.

May puyat na rakista at meet charot, the Lady Daga.

Ay palaban at sa Bahay ni Kuya, eeksena raw ng bonggang bongga.
   
At ano naman ito, dito pa napiling chumurva. Hala, nakakaumay ang sweetness nila.

May tila mga galing sa Libya.

Isa dito itong si pedrito, fresh from being an ex-OFW.

Bukod sa fashion statement niyang fitted na kinopya niya raw kay...

Ito ang sayaw niyang malupit at ang kanta niya na nagtulak kay Gaddafi na mabuwiset at ipagtulakan siyang makauwi.

Ang isang pang galing Libya, dapat na sigurong ampunin talaga ni Kuya. Marc Logan, Patrol ng Pilipino