Phil, James Younghusband both 'taken'?

Posted at Mar 01 2011 09:31 PM | Updated as of Jan 19 2017 12:40 PM

Watch more News on iWantTFC

Sa kabila ng endorsements, nakatuon ang atensyon ng magkapatid na Phil at James Younghusband sa laban ng Azkals sa Mongolia sa March 15.

Sa unang pagkakataon, umamin si James na may girlfriend na siya.

"She's into football also," ani James. "Yes I am [taken]."

Makulay din ang love life ng nakababata niyang kapatid na si Phil.

Kuwento ni Phil, ilang beses na silang nag-date ng aktres na si Angel Locsin.

"I've hung out with her a few times but we're in the getting-to-know-you stage," ani Phil. Tatlong beses na daw sila lumabas.

Sa gitna ng pagkakaugnay ni Angel kay Phil, maugong din ang balitang nagkakamabutihang muli sina Angel at Luis Manzano.

Samantala sinabi sa ABS-CBN News si Governor Vilma Santos na huwag na siyang tanungin tungkol sa isyu ng pagbabalikan ng dalawa.

"May lips are sealed. 'Pag ganyan, ayokong magsalita," aniya.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Angel na mahigit 2 taon na rin simula nang maghiwalay sila ni Luis.

Magkaibigan na daw lang sila at panahon na para bigyang pagkakataon ang sarili na makakilala ng iba.

Totoo raw na lumalabas sila ni Phil, pero masyado pang maaga para masabing mauuwi sa higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino