Super Junior draws 10,000 in concert

Posted at Feb 28 2011 10:37 PM | Updated as of Mar 01 2011 06:37 AM

Isang buwan bago ang araw ng concert ay sold-out na ang mga tiket na P1,000 ang pinakamababa, at 10,000 ang pinakamahal. Para ito sa concert ng Korean singing group na Super Junior.
 
Halos lahat ay mga babaeng teenager ang fans ng boy band na sumikat noong 2006 dahil sa kanilang kanta na "U,” hanggang sila'y maging hit sa YouTube.
 
Pinanabikan ng mga fans ang 10 lalaking teenager sa kanilang mga kantang tulad ng “Sorry, Sorry” at “Supergirl.”

Ani Happee Sy, promoter ng Pulp Productions na naghatid ng concert: "They can sing, dance and they host. They're VJs."

Hindi nga naman nabigo ang mga manonood. Bongga ang hinihintay na opening number.
 
Umiikot pa ang stage, lumilipad ang mga singer, may mga pasabog na confetti; may mga fireworks, naglalakihang monitor, at laser lights.
 
Ang Araneta Coliseum ay nagmistulang isang malaking entablado kung saan malapitan ang pagharana ng Super Junior sa kanilang mga tagahanga.
 
Nakikikanta ang audience kahit sa mga lyrics na Koreano.
 
Dalawang Pinoy din ang nakasama sa pagtatangghal ng sikat na K-Pop group.

Ito'y ang modelong si Robby Mananquil na nag-base guitar, at si Melvin Macatiag sa drums.

Sa pangatlong “Super Show” sa Pilipinas ay napakalakas pa rin ng Super Junior, na nangangakong babalik na naman hanggang hinihingi sila ng kanilang mga Pinoy fans. Korina Sanchez, Patrol ng Pilipino