Baron Geisler, sinama ang asawa at anak sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 12:28 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Inaalay ni Baron Geisler ang kanyang buhay para sa asawang si Jamie Evangelista at anak nilang si Talitha Cumi.

Nitong Huwebes sa "Magandang Buhay, kasama ang kanyang asawang si Jamie ay ipinakilala na ni Baron ang kanilang anak na babae sa publiko. 

"Yung buhay ko ay hindi para sa akin, para sa kanila. Sa totoo lang wala pa akong tulog kasi para sa akin nine months si baby Tali sa loob ni Jamie. 'Yung pinaka-respect na puwede kong ibalik sa asawa ko pagkatapos noon ay ako naman ang mag-aalaga," ani Baron.

Ayon kay Baron, masaya siyang nakikita na nakakapagpahinga ang kanyang asawa at anak. 

"Gustong-gusto ko nakikita kapag magkatabi sila na matulog. Minsan may ginagawa kami ni Tali 'yung 'tummy time.' Sa totoo lang, ang nanay talaga ang nakaka-relate sa iyak ng bata. Ang pinaka the best na puwede kong i-provide is to give them a break, let them sleep," dagdag ni Baron.

Pag-amin ni Baron, noong una ay naiyak siya nang malaman na babae muli ang kanyang magiging anak. 

Kamakailan lang ay inamin ni Baron na may isa pa siyang anak na babae sa dating nakarelasyon.

Pero giit ni Baron, ang anak niya na si Tali ang magpapatuloy ng kanyang iiwang mga proyekto.

"Ang gusto ko talaga lalaki. Umiyak nga ako nung nalaman ko na babae, bayad-utang ba ito? Bakit puro babae ang mga anak ko? Pero ayos lang. May mga projects kaming ginagawa ng misis ko tungkol sa mental health, mental health awareness at kung ano-ano na makakatulong sa community. Kung hindi ko man mapagpatuloy ito, pakiramdam ko ay lolo na ako, matanda na ako eh siya ang magpapatuloy sa legacy," ani Baron.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.