PatrolPH

Maricel Soriano, sinorpresa sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2019 11:43 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Sinorpresa ng kanyang co-stars sa sikat na seryeng "The General's Daughter" ang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa kanyang kaarawan.

Pinangunahan ng bida ng serye na si Angel Locsin ang surprise birthday celebration.

Sa Instagram Stories ni Angel, makikita ang saya ni Maricel nang sorpresahin siya ng staff and crew sa kanilang taping.

Binigyan si Maricel ng cake at kinantahan ng Birthday Song.

Bukod kay Angel, kasama rin niya ang kanyang co-star na si Arjo Atayde at direktor na si Manny Palo sa pagsorpresa kay Maricel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.