A1's Ben Adams chats with Boy Abunda

Posted at Feb 24 2012 02:17 AM | Updated as of Feb 24 2012 12:35 PM

Pumatok sa mga kabataan ang kanta nila noon gaya ng "Like A Rose", "Caught in the Middle," "Same Old Brand New You" at "Take on Me". Namayagpag sa Europa at sa Asia, napasama rin sa top 10 international hits at nag-number 1 sa UK Singles Chart ang mga kanta nila, at nanalo pa ng "Best British Breakthrough Act" sa Brit Awards noong 2001. Bagamat pansamantala silang naghiwa-hiwalay, muli silang nagsama-sama noong 2010. At ngayon, narito sila para bigyan tayo ng mga bagong awiting kagigiliwan. Bandila, Bandila, Pebrero 23, 2012