Maria Aragon guests in 'Ellen DeGeneres Show'

Posted at Feb 23 2011 11:31 PM | Updated as of Feb 24 2011 12:03 PM

Ilang araw lang matapos makausap ang kanyang idolong si Lady Gaga, isa pang pangarap ng YouTube sensation na si Maria Aragon ang natupad -- ang lumabas sa “The Ellen DeGeneres Show.”

Hindi nagpadala sa kaba ang 10-taong gulang na Filipina-Canadian at sinagot ang mga tanong ni Ellen sa pagkanta niya ng "Born This Way" ni Lady Gaga at ang mistulang pagbasbas ng pop superstar sa kanya.

Ellen: "As soon as she did that, she kind of anointed you and then you have 10 million hits already. Everybody was talking about you. And then she talked to you. You got to speak to her right?"

Maria: "We talked and she was actually having a bad day and I made her day and it was really overwhelming because it’s like not everyday you get to talk to a superstar."

Pati si Ellen napa-wow nang malamang inimbitahan ni Lady Gaga kumanta sa stage ang batang Pinay sa gagawing concert sa Toronto.

Maria: " Well it’s kind of…she’s really, like, up there and I’m, like, only beginning.”
 
Ellen: “You're right...you're just beginning..but you should know that she believes in you enough that she asked you to do it so enjoy it.”

Kinanta ni Aragon ang cover version na nagpasikat sa kanya sa YouTube habang naiyak naman ang mga magulang niya sa audience.

Sa Winnipeg, proud na proud ang mga kaibigan at kasama ni Aragon sa kanyang choir sa St. Edward's Church at masaya sila sa kanyang tagumpay.

“I was so happy for her because that’s one of God’s blesings,” sabi ni Armand Tesoro.

“I was really excited for her. I’m happy for her,” sabi naman ni Christian Martinez.

Inaabangan nila ang pagbalik ni Maria sa Winnipeg at may inihahanda na'ng selebrasyon ang mga Pinoy doon para sa kanya. Marieton Pacheco, Patrol ng Pilipino, Canada