'It's Showtime' hosts, todo-handa sa pagbisita ni Catriona Gray

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 01:34 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Paghahandaan ng "It's Showtime" at mga host nito ang pagbisita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa "It's Showtime" nitong Miyerkoles, ibinahagi nina Amy Perez, Vhong Navarro, Anne Curtis, Karylle at Mariel Rodriguez ang excitement sa gagawing pagbisita ni Catriona sa Kapamilya noontime show sa darating na Biyernes, Pebrero 22. 

"Kailangang maaga tayong matulog para maganda tayo sa Friday," ani Karylle.

"Nung sinabi sa Friday nandito siya, bumulong ako kay Karylle 'dapat maganda tayo sa Friday," hirit naman ni Mariel.

Para naman kay Amy at Anne, kailangan na nilang pag-aralan ang "lava walk" ni Catriona.

"Dapat aralin na natin ang lava walk," ani Anne.

Bago ang pagbisita ni Catriona sa Kapamilya network sa Biyernes, magaganap ang kanyang homecoming parade ngayong Huwebes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.