Hero Angeles, napagkakamalang beki dahil sa 'Halik'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2019 12:06 PM | Updated as of Feb 20 2019 12:13 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bukod sa lead characters ng teleseryeng "Halik," markado rin si Hero Angeles sa kakaiba niyang role bilang si Atty. Ken Velasco.

Gay role ang ginagampanan ni Hero sa nasabing serye na aninado siyang mahirap gampanan.

Pero dahil effective madalas na ngayong napapagkamalan na bading si Hero na okay lang sa kaniya.

"Nakakatawa. Una kasi sobrang nangangapa ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Pero sa guidance ng directors namin ayun nagawa ko naman. Sobrang happy ako na na-appreciate nila," ani Hero.
 
Nagbigay patikim pa si Hero sa mga aabangang tagpo sa kanilang top-rating na serye.

"Marami pang itatakbo ang istorya bukod sa relationships. Nandiyan 'yung pagkakaibigan," ani Hero.
 
Bukod sa teleseryeng "Halik," isang pelikula ang pinaplanong simulan kasama si Hero na blessing sa kaniya ngayong 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.