Ano ang balak nina Daniel at Kathryn para sa Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 11:02 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inamin ni Daniel Padilla wala pa silang plano ni Kathryn Bernardo para sa darating na Valentine’s Day. 

Pero aprub daw siya sa kung ano man ang gustong gawin ng ka-date niya.

Posible raw na humingi sila ng isang araw o isang weekend na pahinga mula sa hit serye nilang “La Luna Sangre” para ma-enjoy naman nila ang araw ng mga puso.

Dagdag ni Daniel, ang mga 'first' sa relasyon nila ni Kathryn ay talaga namang memorable sa kanya.

Aminado rin siya na hindi perpekto ang kanilang relasyon pero nalalampasan naman nila ang kanilang mga problema kaya mas lalong tumitibay ang pagmamahalan nila sa isa't isa.