Mga planong KathNiel projects, ibinahagi nina Piolo, Joyce Bernal

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 01:48 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ibinahagi nina Piolo Pascual at director Joyce Bernal ang magkahiwalay na pinaplanong proyekto para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

Kuwento ng Spring Films founder na sina Pascual at Bernal, makakasama ni Padilla si ABS-CBN chief content officer Charo Santos-Concio sa isang pelikula. 

Isasama naman anila si Bernardo sa cast ng pelikulang "History of Parking Lots." 

Samantala, ididirek nina Bernal at Maranao filmmaker Omar Ali ang pelikulang "Children of the Lake" na tungkol sa lungsod ng Marawi, habang bibida si Pascual sa pelikulang "Post Angst" na tungkol sa marijuana. 

Umagang Kay Ganda, 31 Enero 2019