Lito Lapid, Iza Calzado now Kapamilyas

Posted at Jan 24 2012 10:09 PM | Updated as of Jan 25 2012 06:09 AM

Umaalingawngaw ang Leon Guerrero movie theme song sa mainit na salubong kay Senador Lito Lapid sa ABS-CBN.

Ito'y para sa bago niyang teleseryeng “The Little Champ” kung saan gaganap siyang kutsero.

“Isang malaking karangalan para sa akin na mapasali ako rito. First time ko kasi mag-TV. Dati puro pelikula ako eh. Masyado akong identified sa Leon Guerrero. Para akong nag-uumpisa na naman ngayon, nanganganay. Sana maka-acting ako nang mahusay,” sabi ni Lapid.

Break din ito para sa mambabatas sa gitna ng impeachment hearing.

“Pumasok na itong impeachment kaya nagkasabay lang. Sana huwag namang bigyan ng masamang kahulugan. Kailangan kong kumayod,” sabi ni Lapid.

Umaasa naman ang senador magagawa niya ang sequel ng “Leon Guerrero” sa Star Cinema kasama ang mga anak niyang sina Mark at Maynard Lapid.

Hindi naman makapaniwala si Iza Calzado na nasa bakuran na siya ng Dos.

Suot niya ang pampasuwerte niyang red stiletto shoes.

“It’s time really for me to explore new things and grow as an individual and as an artist,” sabi ni Calzado.

Nakalinya niyang gawin ang “The Biggest Loser,” isang teleserye kay Wenn Deramas at iba pang projects.

Batid ni Iza, masaya para sa kanya ang yumaong amang director at choreographer na si Lito Calzado.

“Si Daddy naman kasi ang gusto niya talaga is mag-grow ako. Unang-una sa kanya ang sining. I’m ecstatic for this new year,” sabi ni Iza.

Itinuturing na isa sa pinakamagandang aktres, nakatakda ring gumawa ng pelikula si Iza sa Star Cinema.

Sana raw makatambal niya muli si Piolo Pascual gayon din si John Lloyd Cruz. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino