PatrolPH

Hollywood actor Arnold Schwarzenegger nasangkot sa car accident

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2022 10:26 PM

Watch more News on iWantTFC

Nasangkot sa multiple vehicle collision ang Hollywood star at dating California governor Arnold Schwarzenegger.

Nangyari ang aksidente nitong Biyernes ng hapon sa Brentwood, California. Sa tindi ng aksidente, umibabaw pa ang SUV ng aktor. 

Wala namang tinamong sugat si Schwarzenegger pero isa ang nagtamo ng minor injuries na agad dinala sa ospital.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

—TV Patrol, Linggo, 23 Enero 2022. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.