Xander Ford, may girlfriend na?

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2018 06:38 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

May girlfriend na nga ba si Xander Ford? 

Usap-usapan kasi ang post ni Xander sa Instagram kung saan kasama niya ang isang di kilalang babae sa isang wacky photo. 

Sa caption, mensahe ni Xander: "Maligayang kaarawan sa dalawang pusong nagmamahalan."

Hiling daw niya, maging sila hanggang sa huli. 

Tingin ng netizens, isa itong post tungkol sa kanilang anniversary dahil sa May 11 pa ang kaarawan ni Xander. 

Umagang Kay Ganda, Enero 22, 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.