RK Bagatsing at Jane Oineza, bibida sa pelikulang 'Us Again'

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2020 11:51 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Magtatambal sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa pelikulang "Us Again."

Reunion project ito nina Jane at RK matapos na maging love team sa romance drama series na "Araw Gabi."

Ibinahagi ni Jane ang larawan nila ni RK bilang pasilip sa pelikula.

Setyembre noong nakaraang taon nang mag-look test ang dalawa para sa nasabing pelikula.

Kasama rin sa "Us Again" ang "Bidaman" champion na si Jin Macapagal at ang baguhang aktres na si Sarah Jane Edwards.
 
Umagang Kay Ganda, Enero 17, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.