Mag-asawa sa Tarlac, 'baby' ang turing sa alagang kambing

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 12:17 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Kilala ang mag-asawang Alberto at Natalia Sagun ng Victoria, Tarlac dahil sa kanilang kakaibang "baby."

Tulad ng tunay na sanggol, alagang alaga ng mag-asawa ang kanilang kambing na si Pulot.

Kaiba rin sa mga normal na kambing na kumakain ng damo, tsitsirya at biskwit ang paboritong kainin ni Pulot.