PatrolPH

Usa bumisita sa restaurant, mga customer nagtakbuhan

Reuters

Posted at Oct 31 2023 09:25 AM | Updated as of Nov 01 2023 02:14 PM

Watch more on iWantTFC

Nagtakbuhan ang mga customer sa isang restaurant sa Wisconsin, USA noong Martes (Oktubre 24) matapos pasukin ng isang usa ang establisyimento.

Pumasok ang usa sa bintana ng Noodles & Company restaurant sa Beloit, Wisconsin na ikinagulat ng mga customer na nanananghalian. 

Kita sa video na nagtakbuhan ang mga tao habang nakalabas naman ang usa sa pamamagitan ng backdoor. 

Pansamantalang isinara ang lokasyon upang masuri ang sitwasyon, sabi ng Noodles & Company.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.