Ginang sa Tarlac, umabot sa halos P1 milyon ang bill sa kuryente

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 01:04 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tila nakuryente si Conchita Tongol nang makita na halos P1 milyon ang kinakailangan niyang bayaran sa kuryente.

Kung dati ay nasa P700 lang ang kanilang bill, umabot sa halos P1 milyon ang bill nila sa kuryente nitong Hulyo 2019.

Nilinaw naman ng Tarlac Electric Cooperative (TARELCO) na isa lamang pagkakamali ang lumabas sa bill nina Conchita. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.