PatrolPH

Tawas imbes asukal, nailagay sa maruyang kinain ng 47 estudyante sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at May 25 2023 09:18 AM

Watch more on iWantTFC

Imbes na asukal, tawas ang nailagay sa maruyang kinain ng 47 estudyante sa M'lang, Cotabato, dahilan para isugod ang ilan sa kanila sa ospital, sinabi ng isang doktor ngayong Huwebes. 

"Itong vendor kasi ng school, senior citizen. Noong nag-grocery siya para bumili nung white sugar para sa kaniyang ititindang maruya, imbes na yun ang kukuhanin niya doon sa estante ay white sugar, doon pala siya napunta sa lalagyan ng alum...itong tawas," ani M'lang health officer Dr. Jun Sotea. 

Mayroon din aniyang pagkukulang ang tindahan dahil walang label ang tawas. 

"Hindi niya (vendor) talaga alam na tawas pala yun hanggang sa pagluto niya kinaumagahan, hanggang sa nakain ng mga bata," dagdag niya sa panayam ng TeleRadyo. 

Nasa 47 bata aniya ang nakakain ng naturang maruya. 

Labing-lima sa kanila ang nagsuka at sumakit ang tiyan, kaya dinala sila sa ospital at inobserbahan nang magdamag. 

— TeleRadyo, 25 Mayo 2023 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.