Ulap, mas mabigat pa sa elepante

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2018 01:00 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakalutang man sa ere at hitsurang naglalakihang bulak, ang mga ulap pala'y mas mabigat pa sa elepante.

Ang cumulus clouds na karaniwang natatanaw tuwing maaraw ang panahon ay tumitimbang ng mahigit one million pounds o katumbas ng bigat ng 100 elepante.

Pero mas mabigat pa riyan ang cumulonimbus o thunderstorm clouds na may dalang maraming tubig.

Umaabot sa isang milyong tonelada ang bigat nito o kasingbigat ng 200,000 elepante.

-- Ulat ni Kim Atienza, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.