Bukal sa Negros Oriental, usap-usapan dahil sa 'matamis' na tubig

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2019 11:04 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Usap-usapan sa bayan ng Vallehermoso sa Negros Oriental ang isang bukal na umano'y lasang softdrinks ang lumalabas na tubig.

Ayon sa ilang mga residente, may diwatang nagbabantay sa lugar na ito, at dahil sa kaniya kaya matamis ang tubig sa bukal.

Ayon naman kay Engr. Danilo Basilio ng Local Water Utilities Administration, posibleng maging matamis ang tubig sa mga bukal sa lugar dahil depende ito kung saan dumadaan ang tubig.

- Rated K, Abril 21, 2019