Home > Business Pagdinig ng Senado sa isyu ng RFID system, kasado na sa Huwebes ABS-CBN News Posted at Dec 16 2020 03:52 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Kasado na ang pagdinig ng Senado sa Huwebes sa usaping RFID system sa North Luzon Expressway (NLEX). Sabi sa TeleRadyo ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Public Services Committee, naiprisinta na niya sa kapwa mambabatas ag resolusyong suspendihin muna ang kautusan ng Department of Transportation sa cashless payment. “Gusto natin maging cashless. Pero kahit naman sa ibang bansa na cashless, ‘yung mga booth nila, meron silang iniiwan na pwede kang magbayad ng cash, kasi minsan, may emergency, hindi mo naman agad nalalagyan ng sticker ang kotse mo. May mga bagay po na ganun,” sabi ni Poe. Ayon sa mambabatas, karamihan sa mga senador ay pabor na huwag munang alisin ang cash payment hangga’t hindi pa nareresolba ang problema sa RFID, gaya ng ‘di mabasang RFID sticker at ang 'di mabasang load sa card na nagreresulta ng matinding traffic sa Valenzuela. Kabilang sa kanilang inimbitahan para magpaliwag tungkol sa RFID isyu ay mga opisyal ng DoTr at Toll Regulatory Board. - Headline Pilipinas, 16 Disyembre 2020 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber NLEX, MPTC, cashless payment, RFID, RFID system, tollways, Senado, Grace Poe, TeleRadyo Read More: NLEX MPTC cashless payment RFID RFID system tollways Senado Grace Poe TeleRadyo