'Security data ng Pinas, alanganin kung Chinese ang internet provider'

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2017 12:54 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Samu't sari ang reaksiyon ng publiko sa balitang isang Chinese company ang maaaring mag-alok ng mas mabilis na internet sa bansa. Pinag-aaralan kasi ngayon ng China Telecom na mamuhunan sa Pilipinas. Ito ang ikatlong pinakamalaking mobile service provider sa China at ikapitong pinakamalaki sa buong mundo. Ayon sa isang propesor, baka malagay sa alanganin ang national security data ng Pilipinas. Pero ayon naman sa isang tech expert, matagal nang napasok ng China ang telecom industry ng bansa. Nagpa-Patrol, Michelle Ong. TV Patrol, Miyerkoles, 13 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.