Manila Water, Maynilad di na maniningil ng P10.8-bilyong danyos sa gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 11:57 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Kumambiyo ang Maynilad at Manila Water. Hindi na nila sisingilin sa gobyerno ang halos P11-bilyong nalugi umano nila dahil sa mga 'di pinayagang dagdag-singil sa tubig. Ipinagpaliban na rin muna ng mga water concessionaire ang pagpapatupad ng taas-singil sa tubig sa susunod na buwan. Pumapayag na rin ang 2 kompanya na pag-usapan ang pag-amyenda sa mga kuwestiyonableng probisyon ng concession agreement. I-Bandila mo, Vivienne Gulla.—Bandila, Martes, 10 Disyembre, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.