Home > Business Mga namamasada masaya sa panibagong oil price rollback ABS-CBN News Posted at Dec 06 2022 06:46 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Maagang pamasko para sa ilang jeepney driver ang sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo. Sa ilang gasolinahan sa Quezon City, nasa P62 na lang ang kada litro ng krudo matapos magpatupad na alas siyete pa lang kagabi ng bawas sa presyo. Ang gasolina naman at nasa P58.40. Sa diesel, nasa P1.90 ang bawas sa presyo, at P1.95 naman ang bawas sa gasolina habang. Sa kerosene, nasa P1.75 ang bawas. Ika-3 sunod na bawas-presyo sa petrolyo kasado na sa Disyembre 6 Para sa mga jeepney driver, malaking tulog ang ilang linggo nang bawas sa presyo para kahit papano lumaki rin ang kanilang kita. Magagamit na umano nila sa ibang gastusin ang matitipid nila sa krudo. "Malaking bagay yan sana tuloy tuloy na ... maagang pamasko 'yan sa aming namamasada," ani Romy Gregorio, isang tsuper. Ang rollback ngayong Martesang ika-7 beses nang rollback sa diesel. Umaasa ang mga jeepney driver tuloy tuloy na ang rollback. - Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: oil price rollback produktong petrolyo gasolina krudo bawas presyo