Hanggang P15,000 na buwanang renta, ayaw nang buwisan ng Senado

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 09:43 PM | Updated as of Nov 28 2017 06:09 PM

Watch also in iWantTFC

Sa pagpapatuloy ng paghimay ng Senado sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill, inaprubahan na ang panukalang itaas ang sakop ng value-added tax exemption sa mga paupahang bahay.

Mula sa kasalukuyang P12,800 na di binubuwisan, magiging P15,000 na ang tax-free na renta kada buwan.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sakaling maisabatas, isa sa pinakamakikinabang dito ang mga nangungupahan na maaaring pinapasahan ng buwis kapag higit P12,800 ang kanilang buwanang upa.

"Sino'ng tatamaan dito halimbawa? 'Yong mga estudyante na nagdo-dorm. Precisely why you had it in the past… We are now 2017. Maliit na halaga 'to. We are willing to listen to the DOF [Department of Finance] when it comes to a very small adjustment," ani Recto sa plenary debate sa Senado.

"Ito'y makakatulong du'n sa mga umuupa, 12 percent din 'yon [mamemenos]," sabi ni Sen. Sonny Angara na may-akda ng TRAIN bill.

Target ng Senado na matapos ang TRAIN bill ngayong linggo.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.