Hindi hadlang ang kapansanan para magtagumpay sa buhay

My Puhunan

Posted at Nov 14 2018 01:00 AM | Updated as of Nov 14 2018 01:22 AM

Watch also in iWantTFC

May kapansanan man, hindi ito naging hadlang para kina Sonia Moreno at Socorro del Rosario na tulungan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Legally blind si Sonia. Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin nang ipagbuntis ang pangalawang anak. Iba’t ibang komplikasyon ang kanyang pinagdaanan kung kaya’t naging delikado ang kanyang pagbubuntis. Dahil dito, napilitang umuwi mula sa ibang bansa ang asawa niyang si Rommel. 

Isang buwan ring namalagi sa ospital si Sonia habang ilang linggo rin sa ICU ang anak dahil premature ito nang kanyang isilang. Nalubog sila sa utang dahil sa gastusin nila sa ospital. Upang mabayaran ito, sa tulong ng isang kaibigan, nagsimula silang mag negosyo ng mga produktong pampaganda.

Hindi agad kumita ang business ni Sonia. Nagbago ito nang magsimula siyang magbenta sa internet. Makalipas lamang ang isang taon, nakaipon na sila ng malaki. Ang kanilang utang, nabayaran na nila. Ang kanyang anak naman ay naging maayos na ang lagay ng kalusugan.

Isang aksidente naman ang nangyari kay Socorro o Socky noong kanyang kabataan. Natamaan ang kanyang kaliwang hita sa tricycle na hindi niya sinabi sa mga magulang. Ang inaakalang simpleng lagnat, bunga na pala ng kanyang pagkaka-aksidente. Dahil dito, hindi na pantay ang paglalakad ni Socky.

Gaya ni Sonia, ang kaibigan niya ang nagbigay-daan para magkaroon ng extra income para sa pamilya. Gamit ang tatlong libong pisong puhunan, naging reseller siya ng mga beauty products. Para mapalago pa lalo ang negosyo, nagbigay-tulong sa kanya ang may-ari ng beauty products business na si Ghie Pangilinan.


Sundan ang My Puhunan online:
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook & Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlights)