Pamimigay ng matrix para sa taas-pasahe sa jeep simula na

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2018 10:15 AM

Watch also in iWantTFC

Sisimulan na ng Land Transportation and Regulatory Board ngayong Lunes ang pamimigay ng matrix na magpapatupad ng P10 minimum fare sa mga jeepney sa NCR, Region 3, at Region 4, ayon sa isang opisyal ng ahensya.

Nobyembre 2 pa naging epektibo ang taas-pasahe ngunit "ilegal" ang paniningil nito kung wala pa ang matrix, ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin.

Nasa 55,000 na jeepney ang sakop ng utos ng ahensya, sabi ni Jardin sa panayam sa Headstart ng ANC.