PatrolPH

Mga presyo ng ilan pang Noche Buena patuloy ang pagtaas

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2022 07:09 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Matagal-tagal pa ang bonus at ang Pasko pero sasalubungin na ito ng bad news dahil taas-presyo muli ang mga kadalasang ginagamit na mga sangkap na panghanda sa Noche Buena.

Ayon sa mga eksperto, dahil ito sa inflation.

May ilang bumibili na paunti-unti ng mga Noche Buena items sa Taguig Public Market. 

Nauna nang ipinahayag ng supermarket owners na maaari pang asahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin panghanda sa Pasko habang papalapit ito.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.