Grand Kapamilya Negosyo Fair 2 a success

Posted at Aug 16 2010 09:51 PM | Updated as of Aug 17 2010 05:51 AM

Dinagsa ang Grand Kapamilya Negosyo Fair ng ABS-CBN noong Sabado't Linggo, ang “one-stop-shop” para sa mga gustong magnegsoyo.

May mga business lectures, may tips din tungkol sa pagrerehistro ng negosyo, paghahanap ng puhunan, at may pa-raffle pa!

Nasa 142 exhibitors ang naglagay ng booths ukol sa sari-saring business ideas.

Dinayo rin ang mga paninda ng mga celebrity entrepre-Pinoy.

Taong 2008 nang unang magsagawa ng negosyo fair ang ABS-CBN. At dahil pumatok, sinundan itong muli.

Umabot sa mahigit 20,000 gustong mag-negosyante ang dumalo sa fair.

“Sa bawat successful entrepreneur, nakakagawa po iyan ng at least, minimum, 2 po na tao, at assured na ‘yong 2 tao, hindi magugutom ang pamilya nila,” ayon kay Baroy Morga, head, customer marketing group, ABS-CBN News.

“Doon niya nakikita na mas lucrative ang oportunidad niya para umunlad dito sa Pilipinas,” ayon kay Abi Katigbak, Marketing Specialist for News, ABS-CBN.

Layunin ng ABS-CBN na palaganapin pa ang pagnenegosyo na siyang susi sa pag-unlad.

Kaya tiniyak ng project team na sa susunod na taon, magkakaroon na rin ng negosyo fair hanggang sa mga probinsiya. Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino.