PatrolPH

Mga presyo ng rain gear sa Divisoria nagtaas

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2022 06:40 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Ngayong nakararanas ng maya't mayang pag-ulan ang Metro Manila, patok na naman sa merkado ang rain gear lalo na sa mga pumapasok sa trabaho at nagbabalik-eskwela.

Iyon nga lang, tumaas ang presyo ng mga ito sa Divisoria sa Maynila.

Ang dating P65 na kapoteng pambata, nasa P85 na ngayon; ang malaking raincoat naman na dating P100, nasa P120.

Samantala, para sa mga hindi maiwasang lumusong sa baha, bahagyang tumaas naman ang presyo ng bota hanggang P5.

Pero kahit nagsitaasan ang presyo, marami pa rin naman ang bumibili, ayon sa ilang mga nagtitinda nito.

Wala namang paggalaw sa presyo ng mas madalas nating gamitin na payong kahit na rainy season.

Ang golf umbrella, nasa P250 pa rin, habang ang standard size P120 ang bentahan.

Ang manual na payong naglalaro sa P60 to P80 ang presyo, habang ang automatic na payong nasa P100 hanggang P150 ang bentahan. – Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.