PatrolPH

Ilang school uniform supplier dinadagsa na muli

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2022 06:34 AM

Watch more News on iWantTFC

Ilang linggo na lang at pasukan na. 

Kaya naman unti-unti na ring lumalakas ang negosyo ng ilang mga patahian ng school uniforms sa Quezon City.

Kwento ni Alejandro Amplayo, na dalawang dekada nang mananahi, nag-umpisa noong huling linggo ng Hulyo ang sunod-sunod na pagdating ng kanilang mga customer. Malaking tulong aniya sa kanilang negosyo ang planong pagpapatupad ng full face-to-face classes ng mga paaralan.

Ilan sa kaniyang mga customer ang nag-aaral sa mga pribadong paaralan.

Ang iba kasi ay kinalakihan na rin ang kanilang mga uniporme matapos malipat sa online class ang pagtuturo ng mga paaralan sa simula ng pandemya.

"Kailangan ko na ng kasamahan kasi sayang 'yung pagkakataon na maraming nagpapagawa. Syempre lilipat 'yun sa iba," ani Amplayo.

Kada set ng uniporme na pinapatahi sa kaniya ay nasa P700 hanggang P800. 

Karamihan ay hindi bababa sa limang set ng uniporme ang pinapagawa, kaya laking tuwa ni Amplayo sa paglakas ng kaniyang negosyo.

Kapag palda lang o blouse ang ipapatahi, minimum ng P350 ang bayad na kaya niyang ibigay sa customer sa loob ng isa hanggang dalawang araw.

Sa mga nagtitipid naman, narito ang presyo ng ilang mga ready to wear na mga uniporme sa Divisoria:

Polo (boys)

  • Small: P250-P260
  • Medium: P270
  • Large: P280
  • Xl: P300

Blouse (girls)

  • Small: P200-P220
  • Medium: P230
  • Large: P240
  • Xl: P250

Plain skirt: P150-200

Checkered skirt: P150-250 

>>>https://news.abs-cbn.com/video/news/07/19/22/alamin-presyo-ng-mga-uniporme-sa-divisoria

- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.