PatrolPH

Ilang maliliit na negosyo sa Tagaytay, Laurel apektado ng pag-alburoto ng Taal

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 07:03 AM | Updated as of Jul 08 2021 07:39 AM

Watch more on iWantTFC

Isang linggo simula nang itaas sa alert Level 3 ang sitwasyon sa Bulkang Taal, ramdam na ng ilang maliliit na negosyo sa lungsod ng Tagaytay at Batangas ang epekto nito sa kanilang kabuhayan.

Ang 24 oras na bulalohan na pinagtatrabahuan ni Sally Avinante sa bayan ng Laurel, kung dati ay P20,000 ang kita kada araw ngayon ay halos P2,000 na lang dahil bukod sa pandemya, kumaunti rin ang dumadayo sa kanila bunsod ng pag-aalburoto ng bulkan. 

Tyempuhan lang din ang customer para sa canteen na kung saan nagtatrabaho ni Celestino Angeles. 

Kahit 6 a.m. sila nagbubukas para mas maaga at mas marami ang pumuntang customer, hindi aniya napupuno ang canteen dahil sa tumal ng pumupunta. 

Wala aniya gaanong turista at mga empleyado lang sa malapit na government building ang karaniwan nilang customer.

Ayon sa isang grupo ng magkakaibigang nag-stop over sa Tagaytay bago umuwi sa Laguna, wala naman dapat katakutan kaya naman bumisita pa rin sila sa Tagaytay. — Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.