Suplay ng baboy sa bansa, nanatiling marami sa kabila ng ASF | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Business
Suplay ng baboy sa bansa, nanatiling marami sa kabila ng ASF

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2023 12:49 PM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Nakakaranas ng oversupply ng pork ngayon sa bansa sa kabila ng pagkalat ng African swine fever (ASF), ayon sa isang grupo ng mga magbababoy.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ng pangulo ng National Federation of Hog Farmers na si Chester Warren Tan na halos isang buwan na nilang nararamdaman ang oversupply.

“Bagamat meron pa rin pong sinasabi nating ASF sa mga probinsya, pero po marami pong parating galing Visayas for the past month. Kaya po oversupply po dito sa Luzon,” aniya.

Kaya kaugnay nito, nananawagan sila sa Department of Agriculture (DA) na huwag damihan ang aangkating baboy.
Kaya kaugnay nito, nananawagan sila sa Department of Agriculture (DA) na huwag damihan ang aangkating baboy.
ADVERTISEMENT
Una nang sinabi ng DA na kailangan ng bansa na mag-angkat ng baboy dahil apektado na ng ASF ang lokal na suplay sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna laban sa nasabing sakit.

“Tayo naman po ay inaamin natin na meron naman po tayong deficit dahil po hindi pa po kaya ng local production ang 100% na suplay,” ani Tan.

“Ang sinasabi lamang po namin sa Department of Agriculture ay kung mag-aangkat po tayo ay yung tamang-tama lang po na hindi po mag-oversupply or overimportation. So meron po tayong binibigay na computation kung ilan lang po ang dapat natin na iangkat sa buong taon,” paliwanag niya.

Hiling ni Tan, sana ay sundan ng DA ang kanilang rekomendasyon nang hindi na bumaba ang farmgate price ng baboy.

--TeleRadyo, 29 June 2023
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT