PatrolPH

Halaga ng sahod ng bawat Pilipino bumabagsak: grupo

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2022 11:46 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Kahit pagsama-samahin ang mga dagdag sahod sa panahon ni Pangulong Duterte ay hindi nakasabay ang mga ito sa mataas na presyo ng bilihin, ayon sa isang grupo.

Ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, bumabagsak ang halaga ng sahod ng bawat Pilipino.

Aniya, malaki na ang pagtitipid na ginagawa ng bawat Pilipino upang makaraos sa bawat araw. 

Mas malaki umano ang binibigay na suporta ng gobyerno sa mga malalaking kumpanya.

Dapat na paglaanan ang pagbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng pagbabawas sa pondo ng infrastructure, ani Africa.—SRO, TeleRadyo, Hunyo 13, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.