PatrolPH

P1 dagdag pasahe kulang, excise tax suspindihin: transport group

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2022 12:09 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Hindi sapat ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na P1 dagdag pasahe para sa mga driver at operator ng PUVs.

Malayo na ang hinahabol na presyo ng mga jeepney driver dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo, kaya kulang pa ang piso na dagdag pamasahe, ayon kay Vigor Mendoza, chairman at president ng 1 United Transport Alliance Koalisyon.

Ani Mendoza, wala nang ibang paraan upang ma-compensate ang malaking gastos at bawas sa kinikita ng mga driver dahil sa gasolina.

Hiling nila, suspendihin muna ang excise tax sa presyo ng gasolina.—SRO, TeleRadyo, Hunyo 8, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.